Posible umanong tumagal ng hanggang dalawang linggo ang ginagawang random manual audit ng grupong Legal Network for Truthful Elections (LENTE).
Ito’y ayon kay Rona Ann Caritos, ang executive director ng Lente ay dahil sa dami ng mga balota kung saan, nakaka-apatnapung ballot boxes lang sila bawat araw.
Mas mababa aniya ito kumpara sa target nilang nasa 60 ballot boxes na kailangang bilangin kada araw na layuning matiyak na malinis ang resulta ng nagdaang halalan .
Kaya naman umaapela ng tulong si Caritos sa mga guro at auditors para mapabilis ang manu-manong pagbibilang ng mga boto.