Pinabulaanan ng Malakanyang ang umano’y kumakalat sa social media na isinugod ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.
Sa pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea, walang katotohanan ang mga ito at nagpapahinga lamang ang punong ehekutibo.
Itinanggi din ni dating Special Assistant to the President (SAP) at Senator-elect Bong Go ang mga kumakalat na balita kay Pangulong Duterte.
Samantala, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nasa mabuting kondisyon ang ito at nasa kanyang residential sa Malakanyang kung saan siya ay pumipirma ng mga papeles.
LOOK: Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinabulaanan ang mga kumakalat na balita na naospital ang Pangulong Rodrigo Duterte. pic.twitter.com/L3pu6qegca
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 19, 2019
Matatandaang huling nagpakita sa publiko ang Pangulong Duterte sa Davao City nitong nakaraang halalan 2019.