Pormal nang itinalaga ni Pope Francis si Cebu Auxillary Bishop Dennis Villarojo bilang bagong obispo ng Diocese of Malolos sa Bulacan.
Ito ang inanunsyo mismo ng apostolic nunciature sa Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP).
Si Villarojo ang magiging ika-limang obispo ng Malolos sunod sa namayapang si Jose Oliveros na pumanaw sa edad na 71 noong isang taon.
Nagtapos ng Philosopiya si Bishop Villarojo sa San Carlos College seminary sa Cebu at nagtapos din ito ng Theology sa University of Sto. Tomas sa Maynila.
1994 nang ma-ordinahang pari si Villarojo at naging personal secretary ng yumaong arzobispo ng Cebu na si Ricardo Cardinal Vidal.
Kumuha siya ng doktorado sa Pontifical University of the Holy Cross sa Roma mula 1998 hanggang 2001 hanggang sa mahirang na obispo noong Enero 2016.