Umakyat na sa 11th spot si dating Senador Bong Revilla batay sa pinakahuling partial – official results ng COMELEC – National Board of Canvassers (NBOC) ngayong araw.
Habang nangunguna pa rin si reelectionist Senator Cynthia Villar na merong 24,199,174 na boto at sinundan ni reelectionist Senator Grace Poe na meron namang 21,183,332 na boto.
Nasa pangatlong posisyon pa rin si dating special assistant Bong Go na may boto 19,568,909; kasunod sa pang-apat na posisyon si dating Senadora Pia Cayetano na 18,999,378 votes at panglima si dating PNP chief Ronald Dela Rosa na may botong 18,045,456.
Sinusundan naman nina reelectionist Senator Sonny Angara na may 17,442,174 votes; dating Senador Lito Lapid sa 16,252,252 na boto, dating governor Imee Marcos sa 15,079,596 na boto; Francis Tolentino na merong 14,741,637 votes at reelectionist Senator Koko Pimentel na may 13,948,863 votes.
Naungusan naman ni Revilla sa 11th spot si relectionist Senator Nancy Binay na nakakuha ng 13,873,309 na boto kumpara sa 13,784,692 na boto ni Binay.
Nasa pang-13 naman si Senador JV Ejercito na merong 13,677,424 na boto habang bumaba na sa pang-14 si Senador Bam Aquino na may boto namang 13,675,820.
Nasa 158 na ng 167 certificate of canvass na ang nabilang ng COMELEC – NBOC sa kanilang pagbabalik sa canvassing kaninang ala-1 ng hapon.