Dapat umanong managot ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga aberyang nangyari noong midterm election.
Ito ang pahayag ng National Citizen’s Movement for Free Elections (NAMFREL).
Ayon sa grupo, ang mga naganap na problema noong halalan ay maaari namang maiwasan lalo’t pang-apat na beses ng ginagawa ang automated elections system tuwing halalan.
Binanggit ng NAMFREL ang kabiguan ng COMELEC na ipamahagi ang voters information sheets isang buwan bago ang eleksyon dahil umano sa printing error.
Bukod dito, may mga naranasan pa anilang aberya sa mga vote counting machine at mga corrupted na SD cards.