Hinimok ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) ang kongreso na mas palakasin pa ang Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act.
Ito ay sa gitna ng nakatakdang pagbalangkas ng senado sa panukalang ibaba ang minimum na edad ng criminal liability sa bansa ngayong araw.
Ayon sa UNICEF, dapat suportahan ng kongreso ang ganap na pagpapatupad ng Juvenile Justice and Welfare Act sa halip na talakayin ang pagbaba sa minimum age of criminal responsibility.
Malinaw anila na isinusulong sa R.A. 9344 ang isang child friendly justice system kung saan nakatuon sa rehabilitasyon ng mga kabataang nasasangkot sa krimen at hindi sa pagpaparusa o pagpapakulong.
Muling ding iginiit ng UNICEF na hindi solusyon ang pagpapababa sa minimum age of criminal liability bagkus ay mas nakakapinsala pa sa mga kabataan.