Nag-anunsyo na ng dagdag na presyo sa kanilang produktong petrolyo ang Petro Gazz at Pilipinas Shell.
6:00 bukas ng umaga magpapatupad ng dagdag P0.80 ang Shell at Petro Gazz sa kada litro ng diesel.
Tig-P0.90 naman kada litro ang dagdag sa gasolina samantalang P0.75 sa kerosene.
Ito ang unang oil price hike matapos ang dalawang sunod na rollback nitong mga nakaraang linggo.