Posibleng manatiling Senate President si Senador Vicente Sotto III sa pagbubukas ng 18th congress sa Hulyo.
Kasunod na rin ito nang inaasahang dalawampung (20) senador kabilang na ang mga bagong senador na boboto pabor pa rin kay Sotto.
Si Sotto ay nakipagkita kina incoming senators Bong Go, Ronald “Bato” Dela Rosa at Francis Tolentino nitong weekend sa dinner na ibinigay ni Senador Manny Pacquiao.
Ayon kay Sotto, si Pacquiao ang nagsasabing ang mga nasabing bagong senador ay susuporta pa rin sa kaniya para manatilign pinuno ng senado.
Wala pa naman aniya siyang naririnig na kapwa senador na nais maging senate president.
Wala ring nakikitang pagpapalit ng liderato sa 18th congress si senate protempore Ralph Recto.
Ipinabatid naman ni majority floorleader Juan Miguel Zubiri na ang paunang pag-uusap nila ay manatili ang status quo sa senado.
Samantala, umaasa si re-elected congressman Pantaleon Alvarez na marami pa ring kongresista ang susuporta sa kaniya sa planong muling maging house speaker.
Inihayag ni Alvarez na susubukan niyang tumakbong speaker of the house lalo na’t marami pa siyang mga panukalang nais isulong tulad ng death penalty.
Si Alvarez ay nagsilbing house speaker sa unang dalawang regular sessions ng 17th congress hanggang mailuklok ang dating pangulong Gloria Arroyo bilang pinuno ng Kamara sa mismong araw ng SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte noong July 23, 2018.
with report from Cely Ortega-Bueno (Patrol19)