Kasado na ngayon pa lamang ang mga hahawakang komite ng mga papasok na bago at re eleksyonistang mga senador sa 18th congress.
Ang komite kung saan siya umiyak habang ipinagtatanggol ang war on drugs ng Duterte administration ay hahawakan ni dating PNP chief Ronald Dela Rosa na sigurado nang pasok bilang senador.
Samantala, si Senador Panfilo Lacson na dating may hawak ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs na mapupunta kay Dela Rosa ay mapupunta naman sa Committee on National Defense and Security na iiwan ni Outgoing Senator Gregorio Honasan.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ang Committee on Health naman ang hiningi ni dating special asst to the president Christopher Bong Go dahil proyekto niya ang Malasakit Centers.
Sinabi ni Zubiri na nakipag usap na rin si dating MMDA chairman Francis Tolentino kay Senate President Tito Sotto para sa napipisil niyang komite.
Nagkakaisa rin anya ang 20 incoming at incumbent senators na kaalyado ng administrasyon na panatilihin sa kanyang posisyon bilang senate president si Sotto.