Muling ini-urong ng Commission on Elections (COMELEC) ang proklamasyon ng mga nanalong senatorial candidates.
Hindi na nagbigay ng araw si Jimenez kung kailan ang proklamasyon subalit posible anyang bukas o sa susunod na araw.
Ayon kay Director James Jimenez, spokesman ng COMELEC, nagpasya ang National Board of Canvassers na hintayin ang natitira pang COC para overseas absentee voting mula sa Amerika.
Nais anya ng BOC na makasiguro na hindi na maaapektuhan ang ranking ng mga senador na nasa dulong bahagi ng bilangan.
Sinabi ni Jimenez na nakahanda ang BOC na mag-antay hanggang mamayang gabi para sa COC na mula sa Washington. D.C.
Kasabay nito ay sinabi ni Jimenez na sinisikap rin nilang mapagsabay na ang proklamasyon ng mga senador at mga nanalong partylist groups.
“We’re expecting the results from L.A. to arrive in Washington by around 8PM, Philippine time. Icacanvass pa ‘yan doon sa SBOC, pero once ma-canvass siya ng SBOC doon, mage-electronic transmission na ‘yon and hopefully that would be fast. Ang ating commissioners are planning to stay until matapos ‘yan, ‘yun ang goal, ang mapag-sabay natin. Ang worst-case scenario natin, baka ma-split ‘yang dalawa. Again, right now, we’re confident na mapagsasabay natin ‘yan.” pahayag ni Jimenez.