Hindi pa nareresolba ang application for subsitution ni dating National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema na palitan ang kanyang asawa bilang number one nominee ng Duterte Youth Party-list.
Mamayang gabi na itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng mga nanalong party-list groups nitong eleksyon.
Pero sa kanyang twitter account, pinuna ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na nakasaad sa certificate of candidacy ni Cardema na kwalipikado syang maging kinatawan ng Duterte Youth.
Gayunman,sinabi ni Guanzon na nakarehistro bilang youth sector party-list ang Duterte Youth at sa kanyang pagkaka alam ay lampas trenta na ang edad ni Cardema.