Iuuwi na bukas sa bansa ang labi ni Constancia Dayag, ang OFW sa Kuwait na di umano’y pinatay at pinagsamantalahan sa kanyang pinapasukan.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, muli nilang ipapa otopsiya sa National Bureau of Investigation (NBI) ang labi ni dayag dahil nakakalito ang resulta ng isinagawang otopsiya sa Kuwait.
Sinabi ni Bello na batay sa naunang report, maraming contusions at may palatandaang pinagsamantalahan si Dayag nang dalhin ito sa ospital sa Kuwait.
Gayunman, kabaliktaran naman aniya nito ang naging resulta ng otopsiya.
“Meron daw nakitang pepino yung isang version nasa loob ng private part ni Dayag yun yung ating gustong malaman. Pangalawa, walang sign of sexual intercourse.” Pahayag ni Sec. Bello.
Aminado si Bello na mayroong posibilidad na muling magpatupad ng deployment ban ang pamahalaan sa Kuwait.
Malinaw aniya na ang nangyari kay Dayag ay paglabag sa kasunduang nilagdaan nila ng Kuwaiti government para sa proteksyon ng mga OFWs.