Nalusaw na ang Low Pressure Area (LPA) na namataan malapit sa Mindanao.
Ngunit apektado pa rin ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao na magdadala ng makulimlim at maulan na panahon mula umaga hanggang hapon.
Sa Visayas pinaka-apektado ang Leyte, Bacolod, Negros, Iloilo at Dumaguete na makararanas ng mahina hanggang katamtaman mga pag-ulan na may kasamang pagkidlat at pagkulog.
Sa Mindanao naman pinakamalakas ang ulan sa South Cotabato.
Sa Metro Manila muling makararanas ng biglang buhos ng malakas at panandaliang pag-ulan lalo na mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.
By Mariboy Ysibido