Ikinakasa na ng gobyerno ang mga posibleng kaso laban sa sinibak na director general ng Food and Drug Administration (FDA) na si Nela Charade Puno dahil umano sa katiwalian.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, marami nang natanggap si Pangulong Rodrigo Duterte na reklamo mula sa mga doktor kabilang ang kanyang sariling doktor at iba pang healthcare stakeholders kaugnay kay Puno.
Hinihintay na aniya nila ang mga affidavit para sa case build up laban kay Puno at kung anong mga kasa ang isasampa rito.
Ang mga sworn statement kasama ang Commission on Audit (COA) report sa FDA ay nakatakda namang isumite sa Department of Justice (DOJ).