Hindi achievable o hindi maaabot ang inisyal na target na GDP growth na 7 hanggang 8 percent sa ilalim ng Duterte administration o hanggang sa 2022.
Inamin ito ni NEDA Secretary Ernesto Pernia matapos ihayag ng Development Budget Coordinating Committee (DDBC) ang naturang GDP growth target para sa 2018 hanggang 2022.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang paglago ng ekonomiya nay bumaba sa 5.6 percent sa unang quarter ng 2019 na pinakamabagal sa loob ng apat na taon at ito ay mas mababa sa 6.5 percent sa first quarter ng 2018 at 6.3 percent sa fourth quarter nuong nakalipas na taon.
Sinabi ni Pernia na sa pangkalahatan ay mas mabuting taon ang 2018.
Naniniwala si Pernia na kahit hindi maabot ang initial target mangyayari pa rin ang Philippine Development Plan 2017-2022 dahil sa ginagawa nilang midterm update na higit na realistic.