Walang balak ang Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang martial law sa Mindanao.
Sa gitna na rin ito ng ikalawang anibersaryo ng Marawi siege kahapon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala pang rekomendasyon ang AFP at PNP kung babawiin na ang deklarasyon ng batas militar sa rehiyon.
Hihintayin na lamang aniya ng Pangulong Duterte ang sitwasyon ng seguridad bago i-lift ang martial law.
Magugunitang May 23, 2017 nang ideklara ng pangulo ang martial law sa Mindanao matapos lusubin ng Maute Group ang Marawi City.