Pansamantalang nakalaya si Peter Joemel Advincula o alyas Bikoy ngayong araw.
Sa kumpirmasyon ng PNP – CIDG, naglagak ng P25,000 na piyansa si Advincula sa kaso nitong estafa kung saan ito ay umalis ng Camp Crame kaninang 1:20 p.m.
Matatandaang, isinugod sa ospital si Advincula kahapon dahil pag-taas ng blood pressure nito.
Samanatala, nitong nakaraang Huwebes siya ay sumuko sa otoridad kung saan binaliktad niya ang mga nauna niyang pahayag hinggil sa “Ang Totoong Narco-list” video.
Si Advincula ay nahaharap sa kasong estafa at large-scale illegal recruitment.