Maging ang Kabataan Partylist ay maghahain na rin ng petisyon sa Commission on Elections (COMELEC) para tutulan ang substitution ni dating National Youth Commission chairperson Ronald Cardema bilang nominee ng Duterte Youth partylist.
Ayon kay Kabataan partylist Rep. Sarah Elago, masusing pinagaaralan ng grupo ang kaso ni Cardema at handa aniya silang maghain ng pormal na pagtutol sa petisyon ni Cardema.
Tinitignan din ng grupo ang posibilidad na ginamit ni Cardema ang kanyang posisyon sa gobyerno para ikampanya ang kanyang grupo.
Una nang tinukoy ng COMELEC na sampu (10) na ang kanilang tinanggap na petisyon kontra sa planong pagpalit ni Cardema bilang nominado ng Duterte Youth.