Umapela ang grupong Laban Konsyumer Incorporated sa Department of Health (DOH) na isapubliko ang listahan ng mga brand ng suka na mapatutunayang peke at may sangkap na synthetic acetic acid.
Ayon kay Laban Konsyumer Convenor Atty. Victorio Dimagiba, kailangang ipaliwanag ng mga kumpaniya kung bakit nila hinahaluan ng artipisyal na sangkap ang kanilang mga produkto gayung inilalagay nila sa tiketa ng mga ito na “made from natural ingridients”.
Giit ni Dimagiba, ang ganitong uri aniya ng hakbang ay malinaw na paglabag sa karapatan ng mga konsyumer salig sa itinatakda ng consumer’s act.
Kasalukuyan nang sinusuri ng DOH ang may 10 brand ng suka na sinasabing nagtataglay ng artipisyal na sangkap at inaasahang maglalabas ito ng resulta anumang araw mula ngayon.