Ibibiyahe na pauwi ng Canada ang itinambak nilang basura sa Subic.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin na tapos na ang fumigation ng may 69 na containers ng basura na nagmula sa Canada.
Handa na aniya itong ibiyahe pauwi ng Canada sa Huwebes, May 30.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang aniya ang mga dokumento at routine permission mula sa China para sa transshipment ng mga basura sa Canada.
May kabuntot ring babala si Locsin sa sinumang haharang pa sa pagpapabalik ng basura sa Canada.