Nakiisa ang Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay-pugay sa watawat ng Pilipinas ngayong National Flag Day.
Pinangunahan ni PNP Deputy Chief Police Lt. General Archie Gamboa ang pagtataas ng watawat sa Kampo Krame na sinundan ng sabay-sabay na pagbigkas ng pagpupugay at panunumpa sa watawat ng Pilipinas.
Ayon kay PNP Spokesman Police Col. Bernard Banac, isinagawa ang kaparehong aktibidad sa lahat ng regional headquarters ng PNP sa buong bansa.
Sa naging mensahe naman ni PNP Chief General Oscar Albayalde, sinabi nitong sumisimbolo ang watawat ng Pilipinas sa katatagan at pagkakaisa ng mga Pilipino mula sa dayuhang sumakop sa bansa.
Ipinagdiriwang ang National Flag Day sa loob ng dalawang linggo mula ngayong araw hanggang sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.
with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)