Pinaalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng mga tumakbong kandidato at partido nitong katatapos lamang na halalan kaugnay sa paghahain ng kopya ng kanilang ginastos sa kampanya.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, meron na lamang hanggang Hunyo 13 ang mga kandidato at partido, nanalo man o natalo, para magsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Sinabi ni Jimenez, posibleng maantala ang pag-upo sa pwesto ng mga nanalong kandidato kung mabibigo ang mga ito na maghain ng SOCE.
Habang ang mga natalo naman ay pagmumultahin at posibleng madiskuwalipika na sa pagtakbo sa mga susunod na halalan.