Nilagdaan na bilang urgent bill ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Senate Bill 2233 o “an act raising the excise tax on tobacco products and amending for the purpose pertinent solutions of the national revenue code”.
Target ng nasabing Senate bill na taasan pa ang excise tax sa sigarilyo at mas matinding parusa sa mga pumapasok sa illicit tobacco trade.
Mula sa kasalukuyang P40 na excise tax sa bawat pakete ng sigarilyo, layon ng Senado na itaas sa P60 kada pakete ang excise tax simula sa susunod na taon hanggang sa taong 2023.
Pagkatapos nito ay otomatikong tataas ang anumang prosyento ang excise tax sa bawat pakete ng sigarilyo simula sa January 1, 2024.
Nauna nang ipinanukala ng Department of Finance (DOF) ang pagtataas ng buwis sa sin products para bigyan ng ayuda ang pondong nakalaan sa universal health care law ng gobyerno.