Ibinunyag ng isang dating kandidato sa pagka-senador ang anitoy dayaan sa nakalipas na midterm elections.
Pinatunayan ni RJ Javellana ang nasabing dayaan sa pamamagitan ng isang audio recording ng isang pagpupulong sa loob ng Commission on Elections (Comelec) kung saan pinag uusapan ang pagsasanay sa mga tao at kung paano gagawin ang dayaan sa tinawag na meet me room ng Comelec.
Ito rin ayon kay Javellana ang dahilan kung bakit nagkaruon ng pitong oras na delay sa transmission ng mga boto patungo sa national canvassing center ng Comelec.
Sinabi pa ni Javellana na sa meet me room din nangyayari ang pag-kontrol sa resulta ng mga boto bago ilabas sa transparency server.
Tumagal ng 20 minuto ang nasabing audio recording na aniya’y maaaring gamitin sa imbestigasyon.
Kaugnay nito, hinamon ni javellana ang Comelec na magpaliwanag hinggil dito.