Nakatakda nang ibyahe pauwi ng Canada ang itinambak nilang basura sa bansa sa Huwebes, Mayo 30.
Sa twitter post, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin na tapos na ang fumigation ng may 69 na containers ng basura na nagmula sa Canada.
Hinihintay na lamang aniya ang mga dokumento at routine permission mula sa China para sa transshipment ng mga basura sa Canada.
Kasabay nito, nagbabala si Locsin sa sinumang may balak pang humarang sa pagpapabalik ng basura sa Canada.