Blangko ang Employer’s Confederation of the Philippines (ECOP) sa isyu ng burnout na mga empleyado.
Kumbinsido si Sergio Ortiz, pangulo ng ECOP, na hindi sa trabaho burnt-out ang mga empleyado kundi sa mga nakakaistress na pangyayari sa kanilang kapaligiran tulad ng traffic.
Sinabi ni Ortiz na handa naman anya ang mga employers na tugunan kung may ganitong problema sa kanilang kumpanya.
Matatandaan na sa kauna unahang pagkakataon, kinilala ng World Health Organization (WHO) na isang medical condition ang burnout, o pagkapagod na ng isang empleyado sa kanyang mga ginagawa sa kumpanya.
“Doon sa mga trabaho mo talagang isip at hindi ano ang dumadaan dahil yung mga manual labor for instance, eh ang kalaban niyan ay talaga yung physical exhaustion hindi yung mental exhaustion. Eh hindi ko nga alam kung may extra tayo diyan hindi masyado maliwanag katulad ang exactly dapat gawin diyan sa burnout.” Pahayag ni Ortiz.
Isinantabi ng ECOP ang mga panukalang aksyon ng mga kumpanya para matiyak na hindi mabuburnout ang kanilang mga empleyado.
Tinukoy ng WHO ang pagbibigay ng regular recreational activities sa mga manggagawa at routine paid rest.
Ayon kay Ortiz, maaaring sampung porsyento ng mga kumpanya sa Pilipinas ay may kakayahang ibigay ito sa kanilang mga empleyado pero hindi ang natitirang 90 percent.
“Eh ang sinasabi nga dito anything that you add to the employment additional cause. Medyo mahirap na nga yung mga ano ngayon dahil unang una, yung pag-address pa doon sa sweldo ay problema na dadagdagan mo pa nung mga hindi pa naman masyadong naiintindihan. Ang sabi ko sa inyo, 10 percent ng ating mga kumpanya ang pwede sigurong pag-usapan yan.” Ani Ortiz.