Nagbabala ang FDA o Food and Drug Administration sa publiko laban sa pag gamit ng mga pekeng cosmetic products.
Ayon sa FDA, marami sa naturang mga pekeng produkto ay gawa mismo sa Pilipinas habang ang iba ay galing sa Korea at China.
Kabilang sa mga tinukoy na produkto ng FDA ay ang 3w Clinic’s Fresh Lemon at Fresh Aloe Mask Sheet, RDL Babyface Whitening Night Cream 5 in 1, RDL Face Off Fade – Out Cream Day Cream, Maybelline New York The Magnum Volum Express Waterproof Mascara at M-N Menow Generation Long Lasting Lip Gloss Variant 34.
Aniya, mismong ang mga lehitimong distributor at retailers ang lumapit sa FDA para isumbong ang naturang mga pekeng produkto.