Kabilang ang mga processed pork meat products sa sakop ng temporary ban sa importasyon at distribusyon dahil sa African Swine Fever Virus.
Kasunod ito ng paglawak pa ng sakop ng ban kung saan nakasama na maging ang mga processed pork meat products mula sa Vietnam, Zambia, South Africa, Bulgaria, Cambodia, Monglia, Moldova at Belgium.
Ayon kay FDA Officer In-charge Eric Domingo, kabilang dito ang sikat na Ma Ling Luncheon Meat at iba pang meat products mula sa mga tinukoy na bansa.
Kaugnay nito, iikot ang regulatory board sa mga tindahan at groceries upang masigurong wala nang nagbebenta ng naturang mga ipinagbabawal na de lata at meat products.