Kasado na ngayong araw, Mayo 30 ang pagpapadala sa Canada ng kanilang basurang itinapon sa Pilipinas.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, tumayong officer in charge habang nasa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte, inako na rin ng Canada ang gastos sa reshipment nito.
Aabot aniya sa sampung milyong piso ang halaga ng reshipment ng mga basura mula Maynila patungong Vancouver.
Ikakarga umano ang mga basura sa mga barko mula sa tatlong shipping company.
Kabilang na rito ang Maersk, Zim Integrated Shipping Services at ang france-based company na CMA-CGM.