Pinaplantsa na ng gobyerno ang pagpapadala ng mga Filipino nurse at health worker sa Japan.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang talumpati sa business forum sa Tokyo kung saan dumalo ang mga Japanese business leader at Filipino businessmen.
Aniya titiyakin din na ang mga kasunduang nakapaloob sa Philippines-Japan Economic Partnership ay magiging kapaki-pakinabang sa dalawang bansa.
Binigyang diin ng pangulo na tanging sa Japan mayroong bilateral foreign trade agreement ang Pilipinas kaya’t lalong paghuhusayin pa ito para sa dalawang bansa.