Nangangamba si Muntinlupa Congressman Ruffy Biazon sa posibilidad na masira ang integridad ng Kamara dahil sa mga lumutang na isyu hinggil sa vote buying para sa House Speakership.
Sinabi ni Biazon na tiyak na madudungisan ng kontrobersya ang Kamara gayundin ang imahe ng susunod na lider nito.
Ayon kay Biazon, iisipin kasi ng publiko na pera pera na lang ang labanan sa pagiging pinuno ng Kamara pati na ang mga mababatas na mapapatunayang ipinagbili ang knilang mga boto
Hindi aniya patas na mabigyan ng lamat ang proseso sa paghalal ng susunod na lider ng Kamara.
Gayunman, nilinaw ni Biazon na kahit kailan ay hindi siya nakatanggap ng bag money kapalit ng boto niya para sa House Speakership.
—–