Blanko ang ilang senador sa di umano’y plano na ipalit si Sen. Cynthia Villar kay Sen. Vicente “Tito” Sotto III bilang Senate President sa pagpasok ng 18th Congress.
Ayon kay Senate Pres. Pro Tempore Ralph Recto, wala siyang alam sa nasabing plano sa halip aniya ang alam niya ay walang interes si Villar na pamunuan ang senado at suportado niya rito si Sotto.
Sinabi naman ni Sen. Ping Lacson na nakadepende pa rin sa kalalabasan ng botohan ang liderato ng Senado kahit anupaman ang maging motibo.
Wala namang problema umano kay Sotto kung siya ay matanggal sa pwesto.
Gayuman tiwala pa rin umano siya na suportado siya ng mga kapwa niya senador.