Nagbanta ang China na ibablacklist ang ilang mga dayuhang kumpanya kasabay ng tumitinding tensyon sa pagitan nila ng Estado Unidos.
Ayon sa Commerce Ministry ng China, inihahanda na nila ang pagbuo ng tinatawag nilang unreliable entity list o hindi mapagkakatiwalang mga dayuhang organisasyon, kumpanya at indibiduwal.
Partikular na mapapabilang sa kanilang listahan ang mga kumpanyang lumabag sa market rules at mga humaharang sa pagbibigay ng suplay sa mga Chinese companies bunsod ng ilang kadahilanang walang kinalaman sa pagnenegosyo.
Sinabi ng China commerce ministry, ipalalabas ang detalye ng kanilang plano sa lalong madaling panahon.
Una nang inilagay sa blacklist ng Estados Unidos ang phone company na Huawei dahil sa umano’y usapin ng seguridad.