Bumagsak ang isang C-172 training aircraft ng Alpha Aviation habang pabalik ito sa Clark International Airport kaninang umaga.
Batay sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), lumipad ang eroplano dakong alas-7:30 kaninang umaga sa nabanggit na paliparan.
Mag aalas-10 naman kanina nang humiling ang piloto ng eroplano na si Capt. Irineo Manguba para sa isang emergency landing bunsod umano ng isang engine failure subalit wala itong natanggap na sagot.
Kasama ni Capt. Manguba ang student pilot na si Jeny Jerome, isang Indian national nang bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano sa bayan ng Comillas kung saan, humiling ito ng tulong.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng Philippine Aeronotical Rescue Coordination Center (PARCC), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Alpha Aviation at ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ang nasabing insidente.
Masuwerte namang nailigtas ng buhay sina Capt. Manguba at ang student pilot na si Jerome na ngayo’y nagpapagaling na sa pinakamalapit na pagamutan.
with report from Raoul Esperas (Patrol 45)