Para na ring inabandona ng Pilipinas ang lahat ng mga kompromiso nito sa United Nations sa sandaling ipatupad muli nito ang mandatory ROTC o Reserve Officers Training Corps.
Sa isang inilabas na kalatas, iginiit ng grupong Child Rights Network na tiyak lalabagin ng Pilipinas ang U.N Convention on the Rights of the Child na siyang nagbabawal sa mga menor de edad na hikayating maging mandirigma.
Binigyang diin pa ng grupo na ang ganitong mga edad ay maituturing na vulnerable o bantad pa sa matinding pressure tulad ng military training at malaki ang maidudulot nitong pinsala sa ugali ng mga kabataan.
Magugnitang lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 8961 na nagtatakda ng mandatory ROTC sa mga mag-aaral sa grades 11 at 12 sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.