Tuloy-tuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng pamahalaan laban sa mga kolorum na school bus at mga tricycle.
Ito ang tiniyak ni MMDA o Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia kasabay ng pagbubukas ng klase, bukas.
Ayon kay Garcia, patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa LTFRB at lokal na pamahalaan kaugnay ng nasabing usapin.
Pina-a-alalahanan din ni Garcia ang mga magulang na tiyaking may prangkisa at kinauukulang permit ang mga kinukuhang school bus para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga anak.
“Pinapayuhan din po namin na yung mga magulang po ay medyo maging alerto na yung kanilang mga hina-hire na school bus ay siguraduhin na may prangkisa, at yung mga tricycle ay medyo tututukan din po natin yan kasi full force sa local government units yan. Ang sa amin lang wag silang dumaan sa mga daan na delikado kasi may mga tricycle din na mabibilis.”