Pinagtibay ng Malakanyang ang desisyong sibakin si Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.
Matatandaang sinibak si Carandang dahil sa di umano’y pagpapalabas ng confidential information tungkol sa bank transactions ni Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito.
Batay sa dokumento mula sa Office of the President, ibinasura ng Malakanyang ang motion for reconsideration na isunumite sa kanila ni Carandang.