Binatikos ng National Union of Journalists of the Philippines o NUJP ang naging asal ni Erwin Tulfo kay DSWD Sec. Rolando Bautista.
Ayon sa NUJP, hindi maganda ang ginawa ni Tulfo sa kaniyang programa na panghihiya kay Bautista.
Dagdag pa ng NUJP, walang mali sa pagpuna ng mga palpak na gawain ng opisyal ng gobyerno ngunit ang naging pahayag ni Tulfo ay walang kinalaman sa trabaho ni Bautista.
Kasabay nito, nanawagan ang NUJP sa mga miyembro ng media na ingatan na magkaroon ng “unethical” at “irresponsible” na mga pahayag na maaaring makaapekto sa propesyon.