Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Acquatic Resources (BFAR) na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa mga namamahala ng fish cages sa mga lawa tulad ng Taal Lake.
Pahayag ito ni Director Eduardo Gongona ng BFAR sa fish kill sa Taal Lake kung saan umaabot na di umano sa mahigit P40-M halaga ng tilapia ang nangamatay.
Ayon kay Gongona, kalimitang dahilan ng fish kill ay kapag sinobrahan ang dami ng isda sa fish cage na nagiging dahilan kayat nauubos ang oxygen.
Una rito, mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte na ang nag-utos sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na resolbahin ang fish kill sa Taal Lake.
Pag dinouble mo ‘yon o pag dinagdagan mo, at ‘di ka sumunod sa mga good aqua culture practices, siguradong magkakaroon ng fish kill, sigurado ‘yan. Kaya ang kalimitan sa reason ng fish kill is ‘greed’. Hindi naman sa isinasantabi na ganoon ang nangyari d’yan sa Taal Lake kasi meron ding phenomenon kasi na ‘yun bang sulfuric upwelling d’yan from time to time, it causes fish kill.” paliwanag ni Gongona.
Ratsada Balita Interview