Hinikayat ni Albay Congressman Edcel Lagman ang mga administration congressmen na magkaisa na lamang para sa iisang kandidato bilang speaker of the house.
Ayon kay Lagman, kapag may iisang kandidato ang administrasyon, magkakaroon ng pagkakataon ang minorya na makapaglagay ng sarili nilang kandidato na otomatikong magiging minority leader kapag natalo sa eleksyon para sa house speaker.
Sinabi ni Lagman na panahon na upang magkaroon naman ng tunay na minorya ang kamara na pwedeng magsulong ng alternative agenda.
Dapat na anyang matuldukan ang ma-anomalyang proseso na dinaanan nila noong 16th at 17th congress kung saan ang minority leader ay pinili at kaalyado ng majority block.