Ilulunsad na sa susunod na buwan ng TESDA ang isang mobile application.
Layon ng 911 TESDA mobile app ayon kay TESDA Director General Isidro Lapeña na makatulong sa mga nagtapos na mabilis na magkaroon ng pansamantalang trabaho.
Sinabi ni Lapeña na napirmahan na ang memorandum of understanding hinggil sa proyekto kasama ang siyam na online manpower service provider.
Ang nasabing app na katulad ng sistema ng ride hailing service na Grab ay sisimulan sa bahagi ng Metro Manila.