Halos 6,000 sumakabilang buhay nang PVAO claimants ang nananatili sa payroll ng ahensya o patuloy na tumatanggap ng buwanang pensyon na nasa halos 71 million pesos.
Ayon ito sa Commission on Audit kung saan mahigit kalahati ng nasabing pensyon ay nananatiling unrefunded o hindi pa naibabalik.
Batay sa kanilang 2018 audit, ipinabatid ng PVAO na halos 2,600 sa mga claims ay mula sa mga patay nang beterano at ang mahigit 3,000 naman ay mula sa kanilang asawa o mga menor de edad na anak.
Sinabi ng COA na ang mga claimant ay tumatanggap ng regular na buwanang pensyon nila mula isang buwan hanggang limang tao sa kabila nang iniulat nang pagkamatay ng mga ito.
Inihayag pa ng COA na halos 37 million pesos nang hindi pa naipalalabas na pension fund ay nananatiling unrefunded o hindi pa naibabalik sa gobyerno samantalang ang narekober na mahigit 333.7 million pesos ay hindi pa naire remit sa Bureau of Treasury.