Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang mga karneng baboy mula sa China na nagkakahalaga ng P600,000 sa Port of Subic.
Ayon sa BOC, nasabat ang kontrabando alinsunod sa pinaiiral ng Food and Drug Administration (FDA) at Department of Agriculture (DA) na temporary ban sa pagpapasok sa bansa ng pork meat products mula sa mga bansang pinaniniwalaang apektado ng african swine fever kabilang na ang China.
Nabatid na ang shipment ay naglalaman ng fish tofu at mga kahon ng pork meat products.