Nagpasalamat ang Task Force Bangon Marawi sa suportang ipinakita ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa harap ito ng paggamit nila sa pondo nakalaan para sa rehabilitasyon ng Marawi City para sa Hajj pilgrimage ng 27 residente ng Marawi City.
Ayon kay Secretary Eduardo Del Rosario ng Housing Urban Development Coordinating Council (HUDCC), ipinakita ng pangulo na nauunawaan nya ang kahalagahan ng kultura sa Islam.
Una nang sinabi nina Senador Panfilo Lacson at Francis Pangilinan na hindi relihiyon o kultura ang pinag uusapan sa isyu kundi technical malversation dahil nakalaan ang pondo sa rehabilitasyon ng Marawi City at hindi sa sponsorship para sa pilgrimage.