Nanawagan ang Department of Information and Communication Technology o DICT sa mga guro na iwasan na ang pagbibigay ng mga school project na ang grado ay ibabasa sa dami ng likes na makukuha sa social media.
Ito’y matapos makatanggap ang DICT ng reklamo mula sa mga magulang ng ilang estudyante.
Ayon kay DICT Sec. Eliseo Rio, maraming negatibong epekto sa mga proyektong ipinopost sa social media.
Tulad aniya ng pagiging expose ng mga estudyante sa mga isyu tulad ng breach of privacy o cyberbullying sa mga comments.
Giit ni Rio, ang mga assignment o project ay dapat pa ring ginagawa sa mas makakatulong na paraan sa mga mag aaral.