Pinabulaanan ni Senator Elect Francis Tolentino na nais niyang mapalitan si Senate President Tito Sotto.
Ayon kay Tolentino, nasa Israel siya nang lumabas ang naturang balita at wala ni isang voice recording o video na magpapatunay na nais niyang mapalitan ang liderato ng Senado.
Aniya, kilala siya bilang isang unifier kahit noon pang nanungkulan siya sa Metropolitan Manila Development Authority.
Kaugnay nito, bilang bagong senador ay handa siyang makipag tulungan sa kanyang mga kapwa senador at susunod ano man ang mapagkasunduan ng mayorya.
Una nang pinangalanan ni Senador Panfilo Lacson si Tolentino na siyang kumukumbinsi kay Senator Cynthia Villar para maging senate president.