Muling isinailalim sa yellow alert ang Luzon Grid ngayong araw na ito.
Ayon sa NGCP o National Grid Corporation of the Philippines, dahil sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon, umiiral ang yellow alert alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.
Mayroong available capacity na halos 12,000 megawatts sa Luzon habang ang peak demand ay nasa mahigit 11,000 megawatts lamang.
Wala namang inaasahang magkakaroon ng rotational brownout habang nakataas ang yellow alert.
Kasabay nito, patuloy namang pinapayuhan ng NGCP ang publiko na magtipid pa rin sa paggamit ng kuryente.