Tinutugis na ng mga otoridad ang mga lalaking umano’y nagbayad sa ilang vendors para mag benta o mag pose na may hawak ng bandila ng China sa Rizal Park.
Sinabi ni Police Coronel Igmedeo Bernaldez, hepe ng MPD Station 5 na katuwang nila ang pamunuan ng Rizal Park para makita ang mga lalaking umano’y nasa likod ng Chinese flags.
Ayon kay Bernaldez, malaking tulong ang facial recognition ng mga CCTV ng NPDC o National Parks Development Committee para mahanap nila ang mga nasabing lalaki.
Mahalaga aniyang malaman kung ano ang motibo ng mga lalaki sa pagbabayad sa vendors para lamang magbenta o humawak ng Chinese flags.
Una nang inihayag ng NPDC na tatlong lalaki ang umano’y nagbigay ng mga watawat ng China.