Kumikilos na ang PNP o Philippine National Police para maisulong ang kaso laban sa may ari ng isang dialysis center na sangkot sa anomalya sa pag claim ng Philhealth benefits.
Ipinabatid sa DWIZ ni PNP Spokesman Coronel Bernard Banac na nangangalap na ng mga impormasyon ang CIDG matapos ipag utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dakpin ang may ari ng Wellmed Dialysis Center.
“Kasalukuyan nang nangangalap ng statement ang CIDG natin upang makagawa tayo ng kaso at may sapat na ebidensya at agad makapaghain tayo ng kaso para sa kaukulang warrant of arrest para maisakatuparan na natin ang kautusan ng pangulo.”
(Ratsada Balita interview)