Muling babawasan ang produksyon ng tubig ng Manila Water dahil sa patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam at Ipo Dam.
Ayon sa Manila Water, dahil sa pagbaba ng water level sa dalawang dam ay kailangan nilang buksan ang low level outlet ng Angat Dam para makapagdagdag ng supply.
Subalit ang pagbubukas ng nasabing outlet ay maaaring mag resulta sa mababang kalidad ng tubig na naipo-proseso sa filter plants ng Manila Water.
Sinabi ng Manila Water na ang nasabing hakbang ay makaaapekto sa supply ng tubig sa mga customer sa Metro Manila at Rizal na sa ngayon ay hindi pa rin regular ang supply ng tubig.